Nakatala sa ating bibliya ang
sampung utos ng Diyos. Isang nakatala dito ay ang bawal magnakaw. Marami na sa
mga tao ang nagnanakaw ngayon, maging maliit na bagay katulad ng kendy o mahal
na bagay katulad ng alahas. Maliit man o malaki, kasalanan parin ito. May
pananagutan parin kahit maliit ang pagnanakaw ng isang tao. Nakakapagpahirap
tayo sa ibang tao kapag tayo ay nanguha ng hindi natin pagaari.
Ang bansang Pilipinas at mga mamamayan nito ay naghihirap
na.Kahit ilang pagkakayod o
pagtratrabaho ng tao, nandyan parin ang kahirapan. Madalas, ang dahilan dito ay
ang pangunguha ng ibang tao sa mga pagmamamayari ng iba. Ito ang nangyayari sa
pamahalaan ngayon. Marami na ang korapt na nanunungkulan sa bansang Pilipinas. Hindi ito
nakakapagtaka. Ang isang tao na nakapalibot sa pera ng iba’t ibang tao ay
madaling matukso, ngunit tungkulin nila na labanan ang tukso. Ang masama, hindi
sila lumalaban, halos yakapin na nila ang tukso at kunin ang pera ng taong
bayan.
Maraming uri o paraan ng
pangongorakot na nangyayari sa bansang Pilipinas. Ako ay nagsuri o nagkalap ng
impormasyon sa isang ‘website’ na ‘Wikipedia’. Nakatala na isa sa mga uri ng
pangongorakot ay ang mga ‘ghost project’ at pasahod. Ito ay ginagawa ng mga
matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto
ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng
pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang
katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa
pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura
at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.
Isa pang pangongorakot na tanyag sa
bansang Pilipinas ay ang ‘pork barrel’. Ang pork barrel scam ang kontrobersiya
na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23
kinatawan na naglipat ng kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong
piso sa mga pekeng non-government organizations para sa mga hindi umiiral na proyekto.
Ayon sa Commission on Audit, ang
paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga NGO ay ilegal.Ang sinasabing
utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet
Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp.
Nahuli man ang nagsimula ng pork
barrel scam, patuloy parin ang korapsyon sa ating bansa. Umaasa ang mga
mamamayan na ito’y matigil na ngunit hindi lamang dapat umasa. Dapat kumilos
para ito’y matapos at mahuli na ang mga korakot sa bansang Pilipinas. Ang tunay
na may kapangyarihan sa bansang Pilipinas ay ang mga mamamayan nito. Gamitin
ang kapangyarihan upang matigil na ang korapsyon at kahirapan sa bansa.