Saturday, October 24, 2015

uno: Korapsyon




       Nakatala sa ating bibliya ang sampung utos ng Diyos. Isang nakatala dito ay ang bawal magnakaw. Marami na sa mga tao ang nagnanakaw ngayon, maging maliit na bagay katulad ng kendy o mahal na bagay katulad ng alahas. Maliit man o malaki, kasalanan parin ito. May pananagutan parin kahit maliit ang pagnanakaw ng isang tao. Nakakapagpahirap tayo sa ibang tao kapag tayo ay nanguha ng hindi natin pagaari.

         Ang bansang Pilipinas at mga mamamayan nito ay naghihirap na.Kahit ilang pagkakayod o pagtratrabaho ng tao, nandyan parin ang kahirapan. Madalas, ang dahilan dito ay ang pangunguha ng ibang tao sa mga pagmamamayari ng iba. Ito ang nangyayari sa pamahalaan ngayon. Marami na ang korapt na nanunungkulan sa bansang Pilipinas. Hindi ito nakakapagtaka. Ang isang tao na nakapalibot sa pera ng iba’t ibang tao ay madaling matukso, ngunit tungkulin nila na labanan ang tukso. Ang masama, hindi sila lumalaban, halos yakapin na nila ang tukso at kunin ang pera ng taong bayan.

          Maraming uri o paraan ng pangongorakot na nangyayari sa bansang Pilipinas. Ako ay nagsuri o nagkalap ng impormasyon sa isang ‘website’ na ‘Wikipedia’. Nakatala na isa sa mga uri ng pangongorakot ay ang mga ‘ghost project’ at pasahod. Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

          Isa pang pangongorakot na tanyag sa bansang Pilipinas ay ang ‘pork barrel’. Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations para sa mga hindi umiiral na proyekto.  Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas ng mga pondo sa mga NGO ay ilegal.Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp.

       Nahuli man ang nagsimula ng pork barrel scam, patuloy parin ang korapsyon sa ating bansa. Umaasa ang mga mamamayan na ito’y matigil na ngunit hindi lamang dapat umasa. Dapat kumilos para ito’y matapos at mahuli na ang mga korakot sa bansang Pilipinas. Ang tunay na may kapangyarihan sa bansang Pilipinas ay ang mga mamamayan nito. Gamitin ang kapangyarihan upang matigil na ang korapsyon at kahirapan sa bansa.



















11 comments: